Friday, July 22, 2011

move on - prologue




Eto po ang unang kwento na aking ginawa...sana ay magustuhan nyo kung mayroong magbabasa man…
 =========================================================

Sabado ng gabi, nagdudumali, kaliwa’t kanan, pari’t parito mga sasakyang bumabaybay, naglipana sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Blvd. Isa sa sasakyang bumabaybay ay taxi na lulan isang lalaking kulay kayumanggi, 5’6 ang taas, may katabaan ng konti, may mga mapupungay na mata, may pagkamatangos ang ilong, katamtamann laki ng labi na mapula-pula, 21 taon gulang, hindi gaanong kakinisan ang muka o sa madaling salita ay mukha ng isang tipikal na Pilipino na nagngangalang Jomini. Siya ay isang buwan nang nagtatrabaho bilang HR Assistant sa isa sa mga kompanya sa Makati.

Kasabay ng pagtakbo ng sasakyan ay pagtakbo din ng isipan pabalik sa nakaraan na nagpadurog, nagpawasak, sa puso niyang tumitibok, pumipintig ngusnit kasabay nito ay ang kirot, sakit, pangungulila sa taong pinakamamahal, habang pinagmamasdan singsing sa kanang kamay na simbulo ng pag-ibig at pangakong pagbalik subalit dahil sa malagim, karimarimarim, kagulat-gulat na aksidente, pangako ay napako, pag-ibig ay nawasak.
======================================0========================================
“happy anniversary!” saka singsing na hawak ay isinuot sa kamay ng kasintahan, habang sila ay nakaupo sa kama, sa loob ng silid na kanlungan na kung saan sarili nila ang mundo, sila ang bida, walang pagpapanggap, walang takot na ipahayag, ipagsigawan, ipakita sa bawat isa, pagmamahalang hindi magwawakas. “akalain mo, tatlong taon na tayo..” dagdag pa ni lalaki.
“hahaha…” sagot ni Jomini ngunit unti-unting dumadaloy luha sa mata.
“b – bakit? …tae ka talaga…hahaha..tumatawa habang umiiyak…”sagot  ni Bien na nangingiti-ngiti.

Tinitigan maigi ni Jomini lalaking nagsuot sa kanya ng singsing. Siryoso ang mukha habang ang mga mata ay nangungusap. “ikaw naman bangaw…dapo ng dapo sa tae kahit mabaho!” at biglang bumanghalit ng tawa. 

“ganon!” at pumatong bigla ang lalaki kay Jomini na naging dahilan para sabay na matumba habang nagtatawanan. “anong magagawa ko kung nahumaling ako sa baho mo! Whahahaha…” dagdag pa ng lalaki. Matapos noon ay ang mahabang katahimikan. Nakakabingi, nakakatulig hanggang sa ibinuka ni Bien ang mga labi at nagbuntong hininga at nagwika… “babalik ako…pangako!”

“..hindi mo kailangan mangako dahil handa akong mag-intay… mahal na maha kita. Itong singsing na bigay mo at ay ang pagmamahal ko ang lagi sa’kin magpapaalala na kailangan kitang intayin…” saad ni Jomini.

“…at ito..” saka tinaas ni Bien ang kamay na may singsing rin “…ay patuloy na magpapaalala sa’kin na mahal na mahal din kita, na kailangan kong bumalik dahil mag nag-iintay sa’king pagbabalik…at ikaw un..”

“ kaya…kaya natin ‘to?”

“Oo, kakayanin nating ‘to ng sabay…pipilitin kong matapos ng maaga ang medicine at pagbalik ko galing sa America ay pupunta tayong France… dun tayo titira, magpapakasal, bubuo ng pamilya at mabubuhay ng masaya…”
===================================0============================================

Kalagitnaan ng Abril, mainit, maalinsangan, tanghaling tapat. Apat na taon matapos umalis si Bien patungong Amerika at isang taon nalang din ay magtatapos na sa kursong kinuha si Jomini. Kasalukuyang nagliligpit ng mga notes na nagamit noong nakaraang semester at di sinasadyang natabig litrato nila ng kasintahan at nabasag na nagbigay sa kanya ng matinding kaba para dito, kaya nag-atubiling tapusin ang ginagawa. Makatapos magligpit ay isang tawag ang natanggap mula sa mama ni Bien. Umiiyak, humahagulgol na lalong nagpanginig sa kanya. “i-iho…huhuhu…w-wala na…w-wala sa siya…p-patay na si Bien!!! Huhuhu…” at matapos sambitin ang pakay ay lalong lumakas tumindi iyak ng kaawa-awang ina na kasabay nyon ay ang pagdaloy ng mga nag-uunahang luha mula sa mata ng tulalang si Jomini. Bigla siyang napaupo, dahan-dahang binababa hawak na cellphone at unti-unting impit na iyak ay kumawala hanggang sa “Biennnnn!!!! Huhuhuhu!!!”

Kasabay ng pagkakabangga ng rumaragasang kotse at pagtalsik ni Bien ay ang pagkakabasag  ng pira-piraso, pinong-pino, sabog-sabog na pagmamahalan nila at kasabay din ng pagkakalagot ng hininga ng kasintahan ay ang permanenteng pagkakaputol rin ng kanilang kamunikasyon at higit sa lahat ay ang kanilang relasyon.
=================================0=====================================

“boss, andito na po tayo...” saad ng mamang driver na walang kaalam-alam sa mga humahalukay na ala-ala sa isipan ni Jomini at bago pa niya mapagtanto mga luhang patakas na dumaloy sa kanyang kanang pisngi.

1 comment: